Saturday, November 23, 2024

Pagtiwala, Paggalang at Pagkilala sa PNP, ginarantiya ng Pamayanan

Sa isinagawang online survey ng Philippine National Police sa loob ng ikalawang tatlong buwan ng taong 2022, nakapangalap ng datos ang Pambansang Pulisya mula sa 383 na respondents na boluntaryong sumagot sa nasabing survey sa buong bansa na may access sa internet.

Ang naturang online survey ay matatagpuan sa website ng Official Newsletter ng PNP na Pulis Serbis Balita sa www.psbalita.com.

Napapangkat sa tatlong katanungan ang naturang survey na nakatuon sa mga sumusunod na salik or factor: “Tiwala sa Pulis”, “Paggalang sa Kapulisan” at “Pagkilala sa Gawain ng Pulis”.

Batay sa nakalap na datos para masukat ang “Tiwala sa Pulis” ng mga Pilipino sa online, 74% ng mga respondents ay nagsabing hindi sila magdadalawang-isip na lumapit o magreport sa pulis kung mayroon silang naaktuhang krimen; 69% ang nagsabi na pulis ay malalapitan at maaasahan anumang oras, at ang walang takot at walang kinikilingan sa pagsagawa ng tungkulin; 65% naman ang nagsabi na ang kapulisan ay gumagawa ng tama at tapat sa kanilang tungkulin; at 62% naman ang sumagot na ang pulis ay hindi gumagawa ng ilegal na gawain at aktibidad.

Para naman sa salik na “Paggalang sa Kapulisan”, ang datos ay nagsasabing 82% ng 383 na respondents ay iginagalang ang kapulisan anuman ang kanilang kasarian, edad, relihiyon at lahing pinagmulan; 79% naman ang nagsabing mataas ang kanilang paggalang sa kapulisan; 77% ang nagsabing ang mga pulis ang sumisimbolo ng awtoridad, batas at hustisya; may 66% naman ng respondents ang nagsabing ang kapulisan ay nagpapamalas ng maganda at totoong katangian ng isang lingkod-bayan; at nagtala ng 63% ng respondents ang lubos na sumang-ayon na ang mga negatibong balita patungkol sa kapulisan ay hindi makakapagbago sa kanilang pagrespeto at pagsuporta sa mga tagapagpatupad ng batas.

Samantala, nagtala naman ng 75% ng respondents ay lubos na sumasang-ayon na maaasahan ang kanilang pakikiisa at pagsuporta sa mga gawaing PNP bilang “Pagkilala sa Gawain ng Pulis”; 72% naman ang nagsabi na nakakatulong ang PNP sa pagkakaroon ng matatag na ugnayan ng pulis at pamayanan tungo sa kaayusan at katahimikan ng lugar; 70% ang nagsabi na may magandang naidudulot ang mga programa ng PNP sa pagpapalawak ng kaalamanan sa kapulisan, at lubos ding sumasang-ayon na may mga ginagawang aktibidad at programa ang organisayon na pangkomunidad; 64% naman ang nasisiyahan sa aktibidad ng kapulisan sa kanilang lugar; at may 60% naman ang naniniwala na epektibo ang pamamaraan ng kapulisan sa paghahatid ng serbisyo.

Batay sa mga nakalap na impormasyon, ang tatlong salik ay nakapagtala ng 67.80% kung saan sumasalamin sa pagtitiwala sa kapulisan; 73.40% naman ang gumagalang sa kapulisan; at may 68.50% na kabuuan ang kumikilala sa gawain ng kapulisan.

Ang mga datos na nakalap ay sumasalamin sa kredibilidad ng Philippine National Police, kumpiyansa ng pamayanan sa organisasyong nagpapatupad ng batas, at pagkilala sa mga kontribusyon ng mga kapulisan sa lipunan ng pamayanan.

Ang mga datos na nakalap ay sumasalalim at nakahanay sa direksyong minimithi ng Pambansang Pulisya upang makamit ang isang pulis na may malasakit, pamayanang may kaayusan at bansang may kapayapaan tungo sa isang progresibong Pilipinas.

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles