Pilar, Sorsogon – Tinatayang Php680,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa isang tulak ng droga sa isinagawang buy-bust operation ng Sorsogon PNP, PDEA at Philippine Army nito lamang Martes, Agosto 30, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Arturo Brual Jr., Provincial Director ng Sorsogon Police Provincial Office, ang suspek na si John Paul Estropia, 31, residente ng Barangay Tabi, Gubat, Sorsogon.
Ayon kay PCol Brual Jr., bandang 5:30 ng umaga naaresto ang suspek sa Barangay Putiao, Pilar, Sorsogon ng pinagsanib na mga operatiba ng Regional Police Drug Enforcement Unit 5, Provincial Police Drug Enforcement Unit – Sorsogon, Pilar Municipal Police Station, PDEA-
Sorsogon at Philippine Army.
Ayon pa kay PCol Brual Jr., nakumpiska mula sa suspek ang humigit kumulang Php680,000 na halaga ng hinihinalang shabu.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
“The operation is an intense approach of going after major drug suspects”, pahayag ni PNP Chief PGen. Rodolfo S. Azurin, Jr.
Source: Sorsogon Ppo
Panulat ni Pat Rodel Grecia