Indanan, Sulu – Nagsagawa ng Community Outreach Program ang Indanan MPS sa mga estudyante ng Timbangan Elementary School sa Brgy. Kajatian, Indanan, Sulu nito lamang ika-10 ng Agosto, 2022.
Pinangunahan ni Police Major Edwin Sapa, Chief of Police ng Indanan Municipal Police Station ang naturang programa katuwang ang mga miyembro ng Lingkod Bayan Advocacy Support Group, at Kabalikat Civicom Indanan Chapter sa pamumuno ni Mr. Muldison Taung, President.
Ayon kay PMaj Sapa, bandang alas-8:30 ng umaga nagsimula ang aktibidad kabilang dito ay ang feeding program sa mga estudyante ng nasabing paaralan.
Dagdag pa, ang naturang programa ay kaugnay ng selebrasyon sa Linggo ng Kabataan 2022.
Lubos naman ang tuwa at pasasalamat ng mga estudyante ng naturang paaralan dahil sa natanggap nilang serbisyo mula sa ating Pambansang Pulisya.
Ang mga ganitong programa ay nagpapakita lamang na ang ating PNP ay patuloy na nagbibigay tulong at serbisyo sa mga mamamayan sa kanilang nasasakupan upang ipadama ang pagmamahal sa kapwa.
###
Panulat ni Patrolman Charlie Nasroden Corpuz