Roxas, Palawan – Siyam na miyembro ng H-World United Nations Military Philippines Government ang naaresto sa isang law enforcement operation ng PNP dahil sa pag-aari ng mga baril at bala na walang dokumento sa Palawan noong Hulyo 13, 2022.
Ayon sa ulat ng pulisya, kinilala ang mga suspek na sina Michel Blanco y San Sebastian, Joel Magbanua y Ledesma, Jerry Tulambing y Calebo, Wilfredo Tatic y Egina, Juan Selose y Presaldo, Rodrigo Tacani y Debulgado, Noel Bergante y Gencianeo, Robert Reyes y Patano, at Rogerio Sedan y Regaspi.
Ang mga suspek ay naaresto sa pagpapatupad ng Search Warrant para sa kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) sa H-World Headquarters na matatagpuan sa Barangay 4, Roxas, Palawan.
Ang nasabing pag-aresto ay resulta ng sama-samang pagsisikap ng Palawan Police Provincial Office-Provincial Intelligence Unit, Roxas Municipal Police Station, 2nd Provincial Mobile Force Company, kasama ang Naval Intelligence and Security Group-West.
Narekober mula sa pag-aari ng mga suspek ang isang calibre .45 Remington pistol na may load magazine, at mga bala.
“Pananatilihin namin ang aming pinaigting na pagsisikap laban sa mga loose firearms upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa buong rehiyon sa pamamagitan ng dedikasyon ng aming mga tropa at buong suporta ng komunidad,” pagtitiyak ni Police Brigadier General Sidney Hernia, Police Regional Office MIMAROPA Director.
Source: RPIO MIMAROPA
###
Panulat ni Patrolman Jorge Michael C Bardiago