Flora, Apayao – Nagsagawa ang Flora PNP ng Tree Planting Activity sa Barangay Lower Atok, Flora, Apayao nito lamang Sabado, Hulyo 10, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni PMSg Reymar Batara ng Flora Municipal Police Station katuwang ang Department of Environment and Natural Resources, Bureau of Fire Protection Flora, BPATs/Barangay Officials, at mga kabataan.
Mahigit 45 na puno ng nahogany at narra seedlings ang naitanim sa nasabing lugar.
Ang aktibidad na ito ay bahagi ng pagdiriwang ng 27th Police Community Relations Month na may temang “Ugnayang Pulisya at Komunidad Tungo sa Mapayapa, Maayos, at Maunlad na Pamayanan”.
Ang layunin ng aktibidad na ito ay upang mapag-handaan ang paparating na pabago-bagong klima at layunin din nito ang magbigay ng babala sa mga residente ng nasabing lugar.
Source: Flora Municipal Police Station
###
Panulat ni Patrolman Doctor