Cuenca, Batangas – Nagsagawa ang Pambansang Pulisya ng Beef Sharing Program na pinangunahan ni Police Lieutenant General Rhodel Sermonia, PNP Deputy Chief for Administration kaugnay sa selebrasyon ng Eid al-Adha para sa mga kapatid nating Muslim sa Cuenca Municipal Gymnasium, Poblacion 5, Cuenca, Batangas bandang 11:00 ng umaga, Hulyo 10, 2022.
Ang Eid-Al Adha (Feast of Sacrifice) ay taunang selebrasyon ng mga kapatid na Muslim sa buong mundo kung saan ang mga pamilyang may kaya ay mag-aalay para sa mga kapatid na Muslim na mas nangangailangan.Â
Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan din ng Local Government Unit sa pangunguna ni Mayor Alexander Magpantay, Dennis “DMac” Macalintal, President ng Anti-Crime Community and Emergency Response Team (ACCERT), Immad Ammar ng Foreign National Keepers Network at Cuenca Municipal Police Station.
Nagtulungan ang naturang grupo sa pamimigay ng food packs na naglalaman ng tig 2-kilong beef at bigas sa 500 na mga kapatid na Muslim sa naturang barangay.
Ipinaabot din ni PLtGen Sermonia ang kanyang pakikiisa patungkol sa selebrasyon at mga programa ng PNP para sa mga kapatid nating Muslim na kaisa sa adhikain ng kapayapaan at kaunlaran sa ating mahal na inang bayan.
###
Panulat ni Patrolman Jhun Jhun Macaindig