Sunday, October 6, 2024

Ifugao PPO nakatanggap ng Gawad Kalikasan Award mula sa DENR-Cordillera

Lagawe, Ifugao – Nakatanggap ang Ifugao Police Provincial Office ng Gawad Kalikasan Award mula sa Department of Environment and Natural Resources Cordillera sa DENR – Cordillera Administrative Region Training Center Compound, Pacdal, Baguio City noong ika-30 ng Hunyo, 2022.

Ayon kay Police Colonel James D Mangili, Provincial Director ng Ifugao PPO, iginawad ang nasabing parangal sa ginanap na pagdiriwang sa ika-35 taong anibersaryo ng DENR-CAR.

Maliban dito, ang parangal na ito ay ibinibigay ng DENR CAR sa mga kapartner nitong nakipagtulungan sa pangangalaga, pagpapabuti, at pagpapalawak ng kamalayan at edukasyon sa magandang dulot ng malinis na kapaligiran.

Dagdag pa ni Police Colonel Mangili, ipinagmamalaki ng Ifugao PPO na mabigyan ng ganitong uri ng parangal kaya ito ay magsilbing motibasyon upang higit na ipagpatuloy ang mga aktibidad kaugnay sa pangangalaga at proteksyon sa kapaligiran.

Tinitiyak din ni Police Colonel Mangili na lalo pang isulong at pagtibayin ang pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan sa mga iba pang ahensya at mga Advocacy Support Groups upang maipatupad ang mga programa at batas na sumusuporta sa pagpapabuti at pangangalaga sa kapaligiran.

Source: Ifugao PPO PCAD Unit

###

Panulat ni PSSg Amyl Cacliong

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,270SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles