Katipunan, Quezon City — Arestado ang limang drug suspek kasama ang mag-ina sa magkahiwalay na buy-bust operation ng Quezon City Police District nito lamang Lunes, Hunyo 27, 2022.
Kinilala ni QCPD Director, Police Brigadier General Remus Medina, ang mga suspek na mag-ina na sina Elvira Adane, 53; Zusle Mae Adane, 25, parehong nakatira sa Brgy. 145, Caloocan City; at ang dalawa pang suspek na sina Antonio Bona, 32; at Randal Laurio, 35, parehong nakatira sa Manila City.
Ayon kay PBGen Medina, nahuli ang apat na suspek kabilang ang mag-ina dakong alas-12:00 ng madaling araw sa harapan ng isang bangko sa EDSA corner FPJ Ave., Brgy. Katipunan, Quezon City ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Masambong Police Station (PS-2).
Nakumpiska sa kanila ang limang pakete ng shabu na nagkakahalaga ng Php156,400, at Php1,500 na buy-bust money.
Samantala, sa La Loma Police Station (PS 1) naman, nahulihan ng siyam na pakete ng shabu na nagkakahalaga ng Php27,200 si Eugene Pagcanlungan, 21, residente ng Brgy. Sto. Domingo, Quezon City, dakong alas-tres ng madaling araw sa Don Pepe St., Brgy. Sto. Domingo, Quezon City.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Binati ni PBGen Medina ang mga operatiba sa matagumpay na operasyon, aniya, “Residente ka man ng Quezon City o hindi, sisikapin naming arestuhin ang sinumang sangkot sa ilegal na droga kung kaya’t magkusa na kayong tumigil at talikuran ang ilegal na gawain para sa inyong ikabubuti.”
Source: PIO QCPD
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=4043315045894513&id=100006481734009
###
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos