Calayan, Cagayan – Nagsagawa ng Community Outreach Program ang Cagayan PIAS sa Barangay Dadao, Calayan, Cagayan noong Hunyo 25, 2022.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Jovelyn Bañares, Chief ng Cagayan Provincial Internal Affairs Service, 60 na bata kasama ang kanilang mga magulang ang dumalo at nakisaya sa aktibidad.
Nakatanggap ang mga bata ng libreng tsinelas at school supplies.
Gayundin ay nagsagawa ng feeding program para sa mga residente ng nabanggit na barangay.
Naging katuwang ng Cagayan PIAS ang mga tauhan ng Calayan Police Station sa pamumuno ni Police Major Mario Maraggun, Chief of Police, at sinuportahan din ng lokal na pamahalaan ng Calayan, Opisyal ng Barangay Dadao, Barangay-Based Advocacy at Municipal Advocacy Council, KKDAT Officers at My Brother’s Keeper Life Coaches Members.
Magpapatuloy ang ganitong aktibidad upang ipaabot ang tulong sa mga kababayang nasa liblib na lugar at mapatibay ang ugnayan ng pulisya at komunidad.
Source: Calayan PS
###
Panulat ni Police Corporal Carla Mae P Canapi