Tabuk City, Kalinga – Matagumpay na pinasinayaan ang Youth Mobile Force Store ng mga kapulisan ng Regional Mobile Force Battalion 15 sa RMFB 1503rd Maneuver Company, Talaca, Agbannawag, Tabuk City, Kalinga nito lamang Biyernes, Hunyo 24, 2022.
Pinangunahan ni Police Colonel Joshua F Alejandro, Force Commander, Regional Mobile Force Battalion 15 at ng kanyang mga tauhan ang pagpapasinaya katuwang sina Father Koshi Chris Dupa-as at mga miyembro ng Kalinga Youth Mobile Force.
Ayon kay Police Colonel Alejandro, ang nasabing Youth Mobile Force Store ay nabuo mula sa mga nalikom na perang donasyon ng mga kapulisan ng RMFB 1503rd Maneuver Company.
Bukod pa rito ay naipamahagi rin ang water dispenser at tatlong galon ng tubig mula sa grupo nina Cynthia Imperial, Rene Bawit, Nhorlee Diane Ancheta at Michelle Galema ng Rolling Bongor Bikers Club-Kalinga Chapter.
Ang nasabing store ay magsisilbing income generating project ng mga kabataan ng Kalinga upang maipagpatuloy ang kanilang mga nasimulang aktibidad at upang matulungan din silang umasa sa sarili at maging aktibong kabataan sa gitna ng pandemya.
Pasasalamat naman ang naging batid ng mga kabataan sa Youth Mobile Force store na handog ng ating mga kapulisan.
###
Panulat Patrolwoman Febelyne Codiam