Friday, November 29, 2024

PRO Cordillera, PRO 12 wagi sa Pulis Got Talent Grand Finals

Filoil Arena, San Juan City — Nagwagi ang Police Regional Office (PRO) Cordillera at PRO 12 sa tagisan ng talento sa Pulis Got Talent Grand Finals na ginanap sa Filoil Arena, San Juan City nito lamang Sabado, June 4, 2022.

Nagpakitang gilas sa paggamit ng bamboo flute bilang musical instrument ang representante ng PRO COR na si Police Corporal Jumar Manzano sa Solo Category kung saan nagtamo siya ng kabuuang puntos na 95% mula sa mga hurado na dinaluhan ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa.

Sumunod sa kanya si Patrolwoman Eva Mae Godinez na nagpasiklab naman sa kanyang mga orihinal na komposisyon na kanta kasabay ng pagguhit sa mukha ni PRRD.

Nakuha naman ni Police Corporal Kenneth Garingo ang 3rd place kung saan kanyang inimpersonate si PRRD at pagkatapos ay nagpakita rin ng galing sa pagkanta.

Tulad ng PRO COR, naipanalo rin ng PRO 12 o SOCCSKSARGEN sa Group Category ang kanilang talento sa folk dance na nagpakita ng mayabong na kultura ng Mindanao at dahil dito ay kanilang nakamit ang pinakamataas na average score na 97.56%.

Nasungkit naman ng PRO 10 Band at Special Action Force Band ang pangalawa at pangatlong pwesto sa parehong kategorya.

Sa kabuuan, labing siyam ang bilang ng lahat ng nakilahok na siyang ikinamangha at ikinaaliw ng mga dumalo at ng mga hurado.

Samantala, ang nalikom na pera sa patimpalak na ito ay ibibigay sa mga napiling benepisyaryo ng pulisya kasama ang Non-Government Organizations.

Hindi lang pagpapakita ng talento ng mga miyembro ng Philippine National Police ang nangyaring paligsahan na ito kundi pagpapakita rin ng “humanitarian bayanihan spirit,” ng mga sumali tungo sa pagkakaisa at pagbibigay pag-asa sa kapwa pulis at publiko. Sabi nga, “Esprit de corps, in unity there is strength.”

###

PCpl Jhoanna Marie Najera-Delos Santos

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles