Ilang eleksyon na ang lumipas ngunit marami pa rin sa ating mga kababayan lalo na ang mga nakatira sa Geographically Isolated and Disadvantage Areas o GIDAS barangays ang ni minsan ay hindi pa naranasang bumoto sa kadahilanang malayo ang kanilang komunidad at kakulangan sa dokumento at kaalaman sa pagpaparehistro.
Sa tulong ng bawat Revitalized-Pulis sa Barangay sa Davao Region, mas napapadali at mas nagiging maayos at ligtas ang pagpaparehistro ng bawat residente ng GIDAs Barangays lalo na ang mga miyembro ng iba’t ibang People’s Organization sa rehiyon na kanilang binuo na naging daan sa pagkakaroon nila ng mga dokumento na kinakailangan sa Commission on Election o COMELEC upang maging ganap na botante.
Kabilang na rito ang 168 na katutubong Matigsalug na kabilang sa Sandunan Farmers Association at iba pang Indigenous People mula sa Sitio Sandunan, Brgy. Tamugan, Marilog District Davao City na tinulungang iproseso at iparehistro sa COMELEC XI ng mga tauhan ng R-PSB Marilog District sa pamumuno nina PLt Carlo P Magno at PLt Vincent Dela Cruz sa tulong ng mga tauhan ng Regional Community Affairs Development Division (RCADD) sa pangunguna ni PMaj Rowena Jacosalem; PMaj Dexter S Domingi, Traffic Group; PMaj Florante S Retes, GD CMFC; at Hon. Diomedes Dela Cruz. Ang mga tauhan din ng RCADD 11 sa pamumuno ni PMaj Jane F Golocan, ay namahagi ng mga pagkain para sa kanilang buong araw na pagproseso at pag-aantay.
Maliban dito, ang mga miyembro ng “Nagkahiusang Mag-uuma sa Balabag” ay tinulungan ding magparehistro ng mga tauhan ng R-PSB Team Balabag sa pangunguna ng kanilang Team Leader na si PLt Jane Belle Panganiban sa COMELEC Office sa Digos City, Davao del Sur at ang “Infinite Women’s of Baguio Association” na inasiste at tinulungang magparehistro rin ng R-PSB Cluster 6 sa pamumuno naman ni PLt James Dayag Balbin Jr sa COMELEC Office sa Magsaysay Park, Davao City.
Ang pagdating at pagpasok ng iba’t ibang programa sa kani-kanilang mga barangay ang siyang nagbukas sa kanilang isipan para bumoto sa darating na halalan upang makapili ng tamang tao na magpapatuloy sa mga sinimulang programa at para sa tuloy-tuloy na pag-asenso ng kanilang mga lugar.
#####