Pinangunahan ng Pambansang Heneral, Police General Guillermo Lorenzo T. Eleazar ang pagdiriwang ng ika-120th Police Service Anniversary na may temang, “Hangad na Kalinisan sa Kapulisan, Kapaligiran at Komunidad; Ibayong Gampanan para sa Pangkapulisang Integridad” sa Regional Headquarters New Grandstand, Camp 1Lt Vicente G Alagar, Lapasan, Cagayan de Oro City noong ika-21 ng Oktubre, 2021.
Highlight sa programa ang pagkilala sa mga Yunit, Uniformed at Non-Uniformed Personnel na nagpakita ng kanilang natatanging mga nagawa sa pagbibigay ng kalidad ng serbisyo publiko. Binigyang-pagkilala rin ang iba’t ibang stakeholders at mga miyembro ng Regional Advisory Groups ng Police Regional Office 10 dahil sa kanilang patuloy na pagsuporta sa lahat ng mga programa at proyekto ng mga kapulisan sa Rehiyon. Bahagi rin ng pagdiriwang ang pagpirma ng Memorandum of Agreement at Deed of Donation sa pagitan ng PNP at LGU ng Gingoog City para sa itatayong Police Community Precinct na mayroong operation base ng 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC).
Inilunsad sa programa ang Region-wide Repeater Multi-site via Internet Protocol (IP) Radio connectivity project na magpapalawak at magpapadali ng linya ng komunikasyon ng lahat ng police station sa buong rehiyon. Alinsunod naman sa Kaligkasan Project ng PNP, simbolikong nagtanim ng puno ang hepe ng pambansyang pulisya kasama ang PRO 10 Command Group.
Ipinagmamalaki ni PNP Chief, General Eleazar, na ang pagdiriwang ng Police Service Anniversary ay higit na nakatuon sa adhikain na itaguyod ang integridad at kalinisan sa lahat ng aspeto ng serbisyo ng pulisya upang maiangat ang imahe ng PNP at makuha ang tiwala at kumpiyansa ng mga tao na labanan ang kriminalidad, terorismo, at hamon ng pandemya.
“Ang totoong diwa ng serbisyo ng pulisya ay hindi makikita sa Crame o maging sa regional office. Ang totoong diwa ng serbisyo ng pulisya ay ipinagdiriwang araw-araw sa mga istasyon ng pulisya, kung saan pumupunta ang ating mga kababayan.” ani PGen Eleazar
Sa isang Press Conference, iprinisinta ang 2,522 firearms na bunga ng kampanya laban sa loose firearms. 220 dito ay isinuko ng mga dating rebelde, 95 ay nakumpiska sa SACLEO at 2,207 naman ay galing sa Oplan Katok. Para naman sa kampanya laban sa iligal na droga, sa taon na ito, naglunsad ng 1,578 na operasyon ang PRO 10 na nagresulta sa pagkakahuli ng 1,955 na indibidwal at pagkumpiska ng 9,174 gramo ng shabu na may Standard Drug Price na humigit 62 million pesos. Sa kampanya laban sa wanted person, mayroong kabuuang bilang na 2,809 ang nahuli mula Enero ng taong ito. Pito (7) rito ang mayroong patong sa ulo.
Sa operational accomplishments laban sa teroristang grupo, 36 ang nahuli habang 21 naman ang namatay sa operasyon. Kasama rito ang pagkakahuli ng matataas na opisyales ng teroristang grupo kasama si Loida Magpatoc na may 5.35 million reward at Romilito Satur na may 4.35 million reward. Dahil sa pagkakahuli sa kanila, nagkaroon ng 153 na miyembro ng teroristang grupo ang nag-surrender.
Dumalaw rin ang Pambansang Heneral sa obispo ng Archdiocese ng Cagayan de Oro City na si H.E. Archbishop Jose Araneta Cabantan para hingin ang patnubay at dasal.
Ang mga ito ay patunay na epektibo ang mga programa ng kapulisan sa rehiyon na magbubunga ng katahimikan at pag-unlad ng rehiyon 10.
###
Source: RPIO and NUP Sheena Lyn M Palconite, RPCADU 10