Davao Oriental – Tiklo ang Top 2 Most Wanted Person (Municipal Level) sa kasong rape sa manhunt operation ng Misamis Oriental PNP nito lamang Lunes, Mayo 16, 2022.
Kinilala ni Police Major Michael Mercado, Officer-in-Charge ng Kinoguitan Municipal Police Station ang naarestong suspek na si Jemark Hallasgo alyas “Jemark Gacus Abuluyan”, 26, residente ng Purok Sagay, Brgy Alangilan, Sagay, Camiguin.
Ayon kay PMaj Mercado, naaresto ang suspek bandang 1:00 ng hapon sa Purok Daisy, Brgy. Sainz, Mati City, Davao Oriental ng mga operatiba ng Kinoguitan Municipal Police Station at Mati City Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Rape na walang inirekomendang piyansa.
Patuloy ang pagtugis ng Pambansang Pulisya sa mga taong may pananagutan sa batas upang magkaroon ng produktibo at ligtas na komunidad.
###
Panulat ni Patrolman Edwin Baris/RPCADU 10