Cainta, Rizal – Arestado ang Top 1 Most Wanted Person (Provincial Level) sa kasong Rape sa isinagawang manhunt operation ng Cainta PNP nito lamang Lunes, May 16, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Dominic Baccay, Provincial Director ng Rizal Police Provincial Office, ang suspek na si Larry Naca Rivera, nasa wastong gulang at residente ng Roadrunner St. Anakpawis Floodway, Brgy. San Juan, Cainta, Rizal.
Ayon kay PCol Baccay, bandang 12:30 ng tanghali naaresto si Rivera sa nasabing barangay ng mga operatiba ng Cainta Municipal Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Rape na walang nirekomendang piyansa.
Ang pinaigting na operasyon ng Rizal PNP laban sa mga taong may pananagutan sa batas ay bunga ng suporta ng mamamayan upang mapanatiling ligtas at maayos ang komunidad.
Source: Rizal Police Provincial Office-PIO
###
Panulat ni Police Executive Master Sergeant Elvis Arellano