La Trinidad, Benguet – Nagsagawa ng clean-up drive ang Benguet PNP sa Balangsha Road, Central Pico, La Trinidad, Benguet nito lamang Sabado, Mayo 14, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng 2nd Benguet Provincial Mobile Force Company sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Benson Macli-ing, Force Commander katuwang ang mga miyembro ng La Trinidad Municipal Environment and Natural Resources Office at mga residente ng Central Pico.
Ayon kay PLtCol Macli-ing, nagtulong-tulong sila upang linisin at tanggalin ang mga basura at dumi na nakabara sa kanal sa nasabing lugar na siyang nagiging sanhi ng pagbaha tuwing tag-ulan at may bagyo.
Dagdag pa ni PLtCol Macli-ing, layunin ng aktibidad na itaguyod ang kooperasyon at pagkakaisa ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno at mga pribadong organisasyon upang magkaroon ng malinis at ligtas na kapaligiran.
Samantala, ang 2nd Benguet PNP ay patuloy sa pagsasagawa ng kanilang adbokasiya na pangalagaan at protektahan ang kalikasan sa pamamagitan ng pagpapanatili ng kalinisan sa pamayanan na kanilang nasasakupan.
Source: https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=422610586533991&id=100063551588864
###
Panulat ni Patrolman Joven Silawan