Tibiao, Antique – Muling nagsagawa ng Community Outreach Program ang mga tauhan ng Tibiao Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Major Jerick Vargas, Officer-in-Charge, sa mga mag-aaral ng APFEMTAVA Elementary School na pinangunahan ng kanilang Teacher-in-Charge na si Mrs. Ilyn Sangeles, sa bayan ng Tibiao, Antique nitong Sabado, Mayo 14, 2022.
Ito ay bahagi sa inisyatibo ng istasyon na tinaguriang OPLAN PAGTATAP na naglalayong tumulong at suportahan ang mga kabataan kasama ang komunidad lalo na sa lahat ng mag-aaral sa bawat paaralan sa bayan ng Tibiao.
Ang grupo ay namahagi ng mga regalo na naglalaman ng mga school materials at sapatos na sinundan naman ng feeding program para sa mga mag-aaral ng Grade 1, Grade 2, Grade 3 at Grade 4 sa nasabing paaralan.
Ang naturang programa ay dinaluhan din ng mga miyembro ng Advocacy Support Group, Barangay Force Multipliers, Kabataan Kontra Droga at Terorismo kasama ang mga Brgy. Officials sa naturang barangay.
Lubos naman ang pasasalamat ni Police Major Vargas sa mga sponsors na tumulong upang maging matagumpay ang naturang outreach program lalo na kina Ma’am Maila L Dado at Ma’am Cherry Albayalde at sa iba pang nagbahagi ng tulong.
###
Tinuod gid n pagbulig sa atong mga kasimanwa salamat gid sa PNP