Nasagip ng mga awtoridad ang siyam na indibidwal – anim na lalaki at tatlong babaeāna itinuring na potensyal na biktima ng Human Trafficking sa isinagawang Law Enforcement Operation noong ika-27 ng Agosto 2025 sa Sanga-Sanga Airport, Bongao, Tawi-Tawi.
Ang operasyon ay pinangunahan ng mga tauhan ng 1st Special Operations Unit (1st SOU) at Tawi-Tawi Maritime Police Station (MARPSTA), katuwang ang Local Committee Against Trafficking ā Violence Against Women and Children (LCAT-VAWC), Municipal Inter-Agency Committee Against Trafficking (MIACAT) Bongao, 51st Special Action Company ā Special Action Force (SAC-SAF), Philippine Center for Transnational Crime (PCTC), Marine Battalion Landing Team 4, at 2nd Marine Corps Intelligence Company (2MCIC).
Ayon sa inisyal na imbestigasyon na isinagawa ni Ms. Rosabelle D. Sulani, Head ng MIACAT Bongao, napag-alaman na ang unang limang indibidwal ay patungo sana sa Tawau, Malaysia, habang ang apat pa ay papuntang Bangkok, Thailand.
Inalok sila ng isang taong kilala sa alyas na āSkyā ng mga trabaho bilang Customer Service Representatives at agarang paglalakbay sa pamamagitan ng mga iligal na paraan.
Ang mga nasagip ay agad na dinala sa himpilan ng 1st SOU para sa dokumentasyon at pagkatapos ay inilipat sa pangangalaga ng Ministry of Social Services and Development (MSSD) sa Bongao, Tawi-Tawi para sa karampatang tulong.
Ang matagumpay na pagsagip na ito ay bunga ng mahigpit na pagtutulungan ng mga ahensyang tagapagpatupad ng batas at mga lokal na institusyon. Patuloy ang kampanya ng pamahalaan laban sa lahat ng anyo ng human trafficking.
Hinihikayat ng PNP Maritime Group at Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) ang lahat na maging mapanuri sa mga alok na trabaho sa labas ng bansa, lalo na kung nangangailangan ng madaliang pag-alis sa bansa. Iulat agad sa mga awtoridad ang anumang kahina-hinalang aktibidad kaugnay sa Human Trafficking.
Panulat ni Pat Jeanno Jay T Santos



