Arestado ang 745 indibidwal sa 268 anti-criminality operations na isinagawa ng Cebu Police Provincial Office (Cebu PPO) sa buong lalawigan noong Hulyo 25, 2026 sa ilalim ng Safer Cities Initiative.
Kabilang sa mga paglabag ang pag-inom at paninigarilyo sa pampublikong lugar, paglabag sa curfew ng mga menor de edad, at mga traffic ordinance. Umabot sa Php247,100.00 ang nakolektang multa.
Ayon kay PCOL Abubakar Udang Mangelen Jr., layunin ng operasyon na mapanatili ang kaayusan at maiwasan ang krimen sa pamamagitan ng mahigpit na pagpapatupad ng mga lokal na ordinansa.
Pinuri naman ni PBGEN Arnold E Abad, Regional Director ng PRO7, ang Cebu PPO sa patuloy nitong pagpapatupad ng Safer Cities Initiative upang mapanatiling ligtas at mapayapa ang mga komunidad sa Cebu sa ilalim ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman”.



