Aabot sa 568 ordinance violators ang nahuli ng Cebu Police Provincial Office (CPPO) sa isinagawang sabayang operasyon sa buong lalawigan noong Hulyo 3, 2026, bilang bahagi ng pinaigting na Safer Cities Initiative.
Sa 254 police operations, naitala ang iba’t ibang paglabag sa mga lokal na ordinansa, kabilang ang pag-inom ng alak at paninigarilyo sa pampublikong lugar, curfew ng mga menor de edad, at mga paglabag sa traffic ordinances.
Sa kabuuang bilang ng mga nahuli, 379 ang pinagmulta habang 189 ang binigyan ng babala at pinalaya, na nagresulta sa Php176,800 na nakolektang multa.
Ayon sa CPPO, magpapatuloy ang pinaigting na pagpapatupad ng Safer Cities Initiative upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lalawigan sa ilalim ng adbokasiya ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.”
Panulat ni Pat Flora Mae Asarez



