3rd MFP ng 2nd Cagayan PMFC, nagsagawa ng libreng gupit sa 50 katutubo sa Lasam

0
96

Naghatid ng serbisyo-publiko ang mga kapulisan ng 3rd Mobile Force Platoon (3rd MFP) ng 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company (2nd CPMFC) sa pagdiriwang ng Buwan ng mga Katutubo noong Oktubre 27, 2026, sa Natalged A Lasam Arena, Brgy. Centro 02, Lasam, Cagayan. Pinangunahan ni PLt Emilson B. Dayag, Platoon Leader, ang pakikibahagi ng kapulisan sa aktibidad na may temang “Pagpapalakas sa mga Katutubo, Pagtataguyod ng Karapatan, Kultura at Lupang Ninuno.”

Bilang bahagi ng pagdiriwang, nagsagawa ang mga kapulisan ng libreng gupit na nakapagbigay-serbisyo sa kabuuang 50 katutubo o Indigenous Peoples (IPs). Layunin ng inisyatiba na maipakita ang malasakit ng kapulisan at kilalanin ang mahalagang papel ng mga katutubo sa pangangalaga ng kultura, tradisyon, at pagkakakilanlan ng bansa.

Isinagawa ang aktibidad sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Bayan ng Lasam, Lasam Police Station, Alpha Company ng 17th Infantry Battalion ng Philippine Army, Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), at Municipal Nutrition Action Office/Municipal Health Office (MNAO/MHO).

Sa pamamagitan ng mga programang tulad nito, patuloy na pinagtitibay ng Philippine National Police (PNP) ang ugnayan at tiwala ng mga katutubong komunidad sa pamamagitan ng inklusibo at makataong paglilingkod, habang isinusulong ang kanilang mga karapatan at kapakanan, alinsunod sa adhikain ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source: 2nd Cagayan PMFC(https://www.facebook.com/share/p/1Ck9EfWmc6/?mibextid=wwXIfr)

Leave a Reply