3 Raliyista, binigyan ng warning ng PNP dahil sa pagsusuot ng balaclava

0
564

Binigyan ng Philippine National Police ng warning ang tatlong indibidwal na nakasuot ng balaclava habang kasalukuyang isinasagawa ang Trillion Peso March nitong araw ng Linggo, Nobyembre 30, 2025 sa Metro Manila.

Ayon sa inisyal na ulat, nagpakilala umano ang tatlong indibidwal na mga contributors ng isang freelance media na suportadon ng isang undisclosed non-government organization. Isa sa kanila ay isang 18-year-old college student, habang ang dalawa ay may edad na 20 at 23.

Nakita ang tatlo na nakasuot ng balaclava sa Plaza Salamanca, Kalaw Avenue bandang 8:50 kaninang umaga. Dahil dito, inimbitahan sila sa Police Station 5 sa Ermita dakong alas 9:30 ng umaga.

Matatandang nauna ng mag-anunsyo ang Manila Public Information Office ng kanilang ordinansa kaugnay sa pagbabawal ng balaclava, ang City Ordinance No. 9134.

“Ipinagbabawal nito ang pagsusuot ng balaclava, face mask (maliban kung pangkalusugan), hoodies na nakatakip ang mukha, at anumang headgear na nagtatago ng pagkakilanlan sa loob ng commercial at government buildings, at kapag nakababa o naka-standby sa motorsiklo,” saad pa ng Manila PIO.

Para sa first offense, ang sinumang lalabag ay papatawan ng Php1,000 multa habang Php3,000 naman sa second offense. Para sa third at sa mga succeeding offenses, ang mga lumabag ay maaaring papatawan ng Php5,000 multa, o pagkakakulong ng 15 days, at ang posibleng pagkansela sa kanilang mga driver’s license.

Nito lamang Miyerkules, pinaaalalahanan na ng pulisya ang publiko lalo na yong mga dadalo sa November 30 rally sa Luneta Park na iwasang magsuot ng mga balaclava o ng parehong mga face coverings. 

Source: GMA News