Negros Occidental (February 20, 2022) – Patay ang tatlong (3) lalake at sugatan ang isa (1) matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek sakay sa kanilang sasakyan na may plate number na NDQ452 sa crossing Villalena, Brgy. Palampas, San Carlos City, Negros Occidental nito lamang hapon ng Pebrero 20, 2022.
Base sa inisyal na imbestigasyon, papunta sana ang apat na biktima sa sabungan lulan ng kanilang sasakyan ng bigla na lang silang pinagbabaril ng hindi pa tukoy na mga suspek.
Dead on the Spot sina Andre Fajardo y Briones, 17 taong gulang, residente ng Ylagan Extension, Barangay 6; Russel Bacao y Fajardo, 40 taong gulang, may asawa at residente ng Urban, Phase 1, Brgy. Rizal; samantala dead on arrival naman si Rudy Dela Fuente y Capuyan, 51 taong gulang at residente ng San Juan Baybay, Brgy. 6 ng nasabing lungsod.
Kasalukuyan namang nagpapagaling si Renante Chui y Palabrica, 27 taong gulang, may asawa at residente ng San Juan Baybay, Brgy. 6 ng nasabing lungsod.
Sa ngayon, patuloy pang iniimbestigahan ng mga kapulisan ang motibo at sanhi ng pananambang.
###
Panulat ni Pat Kher Bargamento