Arestado ng mga tauhan ng Eastern Police District ang tatlong indibidwal sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Pinagbuhatan, Pasig City nitong Setyembre 1, 2025 bandang 8:40 ng gabi na nagresulta sa pagkakasabat ng tinatayang Php144,840 halaga ng hinihinalang shabu.
Ayon kay Police Brigadier General Aden T Lagrandante, District Director ng EPD, naaresto ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ang tatlong indibidwal na nakilalang sina alyas “Arwin”, 43 anyos at No. 5 Regional High Value Individual (HVI) drug list; alyas “Julio”, 34 anyos at No. 9 sa parehong listahan; at alyas “Karlo”, 37 anyos, residente ng Urbano Avenue, Barangay Pinagbuhatan.
Ayon pa kay PBGen Lagradante, nasamsam mula sa mga suspek ang apat na heat-sealed plastic sachets ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 21.30 gramo at may Standard Drug Price (SDP) na Php144,840, pitong pirasong Php1,000 bill na ginamit bilang buy-bust money.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Patuloy na nananawagan ang Eastern Police District sa publiko na manatiling mapagmatyag at makiisa sa kampanya kontra ilegal na droga upang makamit ang mas ligtas at drug-free na pamayanan para sa lahat.
Source: EPD PIO
Panulat ni PMSg Remelin M Gargantos



