Naaresto ng mga kapulisan ng Philippine National Police-Women and Children Protection Center (PNP-WCPC) ang tatlong suspek na sangkot umano sa online sexual exploitation sa isinagawang tatlong magkakasunod na operasyon sa Mati City, Davao Oriental kamakailan lamang.
Ang naturang magkakasunod na operasyon ay isinakatuparan ng mga tauhan ng WCPC-Mindanao Field Unit (MFU), na itinuturing na high-impact operations laban sa Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC) at Child Sexual Abuse or Exploitation Materials (CSAEM) sa buong rehiyon.
Masusing ipinatupad ng kapulisan ang magkakasunod na entrapment at rescue missions, kasabay ng paghahain ng warrant to search, seize, and examine computer data (WSSECD).
Kabilang sa mga narescue ang walong babae, kung saan pito rito ay menor de edad na itinuturing na biktima ng exploitation, at ang tatlo pang kabataan na kabilang sa at risk.
Ang dalawang suspek na naaresto ay isinailalim sa kaukulang dokumentasyon sa Mati City Police Station habang ang isa pang menor de edad na babaeng suspek na sangkot din umano sa nasabing exploitation scheme ay itinurn-over sa CSWDO-Mati para sa kaukulang intervention alinsunod sa mga child protection protocols.
Lahat ng mga narescue na biktima ay itinurn-over na rin sa mga social workers para sa isasagawang assessment, psychosocial support, at long-term welfare planning.
Samantala, binigyang diin naman ni Police Brigadier General Maria Shiela T. Portento, Chief ng WCPC, ang hangarin ng PNP upang pangalagaan ang lahat ng mga inaabuso lalong lalo na sa mga menor de edad.
“These operations send a clear and uncompromising message: the PNP will not tolerate individuals who exploit our children. Whether online or within communities, we will locate them, stop them, and bring them to justice. Every child we rescue is a life reclaimed. WCPC remains fully committed to dismantling OSAEC networks with urgency, compassion, and resolve,” saad pa niya.
Source: https://www.sunstar.com.ph/davao/11-minors-rescued3-suspects-in-onlineabuse-of-kids-nabbed



