Nagsagawa ang 2nd Ifugao Provincial Mobile Force Company (PMFC) Revitalized Pulis sa Barangay Team ng clean-up drive at tree planting activity sa Barangay Nungulunan, Hungduan, Ifugao noong Mayo 27, 2026.
Isinagawa ang aktibidad sa pakikipag-ugnayan ng 2nd Ifugao PMFC sa Barangay Local Government Unit (LGU), sa pangunguna ni PCMS Johnson Lloyed B. Chulipa at ni Barangay Captain Hon. Michael Taguyungon. Nakiisa rin dito ang mga kabataang benepisyaryo ng Summer Job Program ng pamahalaan.
Sama-samang nagsagawa ang mga kalahok ng paglilinis sa paligid, pag-aalis ng mga damo at basura, gayundin ng pagtatanim ng mga pine tree seedlings at iba pang punong namumunga.
Layunin ng aktibidad na isulong ang pangangalaga sa kapaligiran, mapanatili ang kalinisan ng komunidad, at makatulong sa pangangalaga ng lokal na ecosystem. Naging daan din ito upang higit na mapalakas ang pagtutulungan at magandang ugnayan ng kapulisan, lokal na pamahalaan, at sektor ng kabataan.
Binigyang-diin ng 2nd Ifugao PMFC na mahalagang bahagi ng kanilang mandato ang serbisyo sa komunidad at pangangalaga sa kapaligiran, kasabay ng pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan tungo sa isang Bagong Pilipinas.
Source: Dos Ifugao PMFC



