Pampanga – Namahagi ng 200 loaf bread ang Mabalacat City PNP sa mga miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) na residente ng Mabalacat City, Pampanga nito lamang Huwebes, ika-2 ng Nobyembre 2023.
Pinangunahan ito ni Police Lieutenant Colonel Alfredo Canlas, Chief of Police ng Mabalacat City Police Station.

Nakatanggap ang bawat miyembro ng TODA at pedicab drivers ng libreng tinapay na labis ang kasiyahan at pasasalamat ng mga benepisyaryo sa hatid na tulong at serbisyo mula sa Mabalacat City PNP.
Source: Mabalacat City Police Station
Panulat ni PCpl Jeselle V Rivera