Patuloy na pinagtitibay ng Philippine National Police Maritime Group ang kampanya nito laban sa mga indibidwal na may kinakaharap na kasong kriminal matapos madakip sa magkahiwalay na operasyon ang dalawang wanted person noong Nobyembre 19, 2025.
Dakong 10:00 ng umaga sa Bonuan Gueset, Tondaligan, Dagupan City, inimplementa ng mga tauhan ng Dagupan Maritime Law Enforcement Team (MLET) ang Warrant of Arrest laban kay alyas “Joh”, 29, binata, canteen crew, at residente ng Burgos St., Dagupan City.
Ang suspek ay nahaharap sa dalawang bilang ng Rape by Sexual Assault na may nakatakdang bail bond na Php180,000 para sa bawat bilang.

Samantala, dakong 9:00 ng umaga sa Barangay 200 Poblacion, Laoac, Pangasinan, isinagawa ng Infanta Maritime Law Enforcement Team at Pangasinan Maritime Police Station (MARPSTA) bilang Tracker Team ang pag-aresto kay alyas “Josh”, 25, binata, motor mechanic, residente ng nabanggit na barangay.
Ang suspek ay naaresto sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide and Damage to Property (Art. 365, RPC) na may inirekomendang bail bond na Php60,000.
Patuloy na pinaiigting ng PNP Maritime Group ang pagpapatupad ng batas upang masiguro ang kaligtasan ng publiko, pagpapanatili ng kaayusan, at katuparan ng hustisya sa buong maritime domain.



