Bohol – Tiklo ang dalawang tulak ng ilegal na droga matapos mahulihan ng nasa Php170K halaga ng shabu sa buy-bust operation ng City Drug Enforcement Team (CDET), Tagbilaran City Police Station sa R. Enerio St. Corner Lumayag Village Dampas, Tagbilaran City, Bohol noong Miyerkules, Marso 29, 2023.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Regie Real, Hepe ng Tagbilaran City Police Station, ang mga naaresto na sina “Zyra”, 32 at “Clong-Clong”, 26, kapwa residente ng Poblacion 3, Tagbilaran City, Bohol.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Real, nadakip ang mga suspek bandang 12:45 ng madaling araw sa operasyon na pinangunahan ni Police Captain Agosto Cesario Sumaylo.
Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 25 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na Php170,000, isang unit ng Myphone keypad cellphone, ang sling bag na ginamit bilang lagayan ng mga droga, at buy-bust money.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sec. 5 at 11, Art. II ng RA 9165.
Siniguro naman ng buong hanay ng Tagbilaran City PNP na ang mahusay na hakbangin sa kampanya kontra ilegal na droga maging sa lahat ng kriminalidad ay kanilang ipagpapatuloy at lalong pagbubutihin tungo sa kaayusan at kapayapaan ng lungsod.