Tinatayang isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng Php6.8 milyon ang nasabat mula sa mga suspek na nagresulta sa pagkasawi ng dalawang alagad ng batas sa ikinasang buy-bust operation sa Ceossing Simuay, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte bandang 12:00 ng tanghali nito lamang Biyernes, Nobyembre 15, 2024.
Kinilala ni Police Brigadier General Eleazar P Matta, Director, PNP Drug Enforcement Group (DEG), ang dalawang pulis na nasawi sa engwentro na sina Patrolman Kirt Sipin at Police Corporal Roselyn Bulias habang sugatan naman ang dalawang pulis na sina Patrolman Jonel Ramos at Patrolman Eddie Sugarol at ang mga target ng operasyon na sina Suhod Kasim at Ting Katulangan.
Nabatid na naunang nagpaputok ang mga suspek kaya napilitang magpaputok ang pulisya na dahilan ng pagkakaroon ng habulan at ilang minutong palitan ng putok.
Kinondena naman ni PBGen Matta, ang marahas na pagpatay sa dalawang pulis na hindi nag-dalawang isip na ialay ang kanilang sariling buhay upang mahuli ang mga suspek at mapigilan ang ilegal na aktbidad na sumisira ng magandang kinabukasan ng ating mga kabataan. Nanawagan din ito ng kooperayon ng mamamayan upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan na susi sa pagkamit ng kaunlaran.