Ermita, Manila- Pormal nang sinampahan ng kaso ng Department of Justice ang dalawang umano’y miyembro ng Communist Party of the Philippines/New People’s Army (CPP-NPA) na responsable sa pagkolekta ng revolutionary funds at pagpopondo sa terorismo nito lamang Miyerkukes, ika-27 ng Marso 2024.
Batay sa nakalap na impormasyon ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group, ang mga akusado na kinilalang sina Leonor Taguinod Dumlao at Valentin Cruz Tolentino ay sinampahan ng kasong paglabag sa Section 8 ng RA 10168, na kilala bilang “The Terrorism Financing Prevention and Suppression Act ng 2012.”
Matapos makatanggap ng mga ulat na nagsasaad na ang dalawang akusado ay nagtataglay ng mga baril at bala na walang tiyak na pinagmumulan ng kita o maliwanag na layunin, naglunsad ang mga awtoridad ng “background check” at nakipagtulungan sa mga “intelligence counterparts” mula sa National Bureau of Investigation at Intelligence Service ng Armed Forces of the Philippines kung may search warrant laban sa dalawang indibidwal.
Ang mga baril, bala, improvised explosive device, mga bahagi ng IED, at malaking halaga ng pera sa iba’t ibang denominasyon ay natuklasan ng mga awtoridad na mula sa kanila.
Nasiwalat din sa imbestigasyon na ang dalawa ay mga miyembro ng National Finance Commission ng CPP/NPA na direktang may kinalaman sa paghingi ng pera sa mga construction firms, telecommunication companies, bus companies, mining companies at businessmen in guised as “revolutionary taxes.”
“Hinding-hindi natin hahayaang maghasik ng takot ng kahit isang pulgada ng paniniil ng terorismo sa ating mga mamamayan. Ito ang panahon kung kailan dapat patibayin nating mga Pilipino ang ating determinasyon at ipakita ang ating katatagan sa paglaban sa kasamaang ito,” pahayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.
“Kung napatunayang nagkasala, hindi namin sila hahayaang hindi mapaparusahan,” dagdag pa niya.
Source: Daily Tribune