Dalawa ang naaresto ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Misamis Occidental matapos ang mga ito na iligal na magbenta ng nasa kabuuang Php701,000 halaga ng petrolyo kamakailan lamang.
Ayon sa inisyal na ulay ng pulisya wala ulanong lisensya para magbenta mula sa Department of Energy (DOE) ang nasabing mga suspek kaya naman niraid ng mga operatiba sa Barangay San Vicente Baj sa Oroquieta City.
Dito nakumpiska ng mga awtoridad ang isang portable micro-fuel dispenser na naglalaman ng humigit-kumulang 1,010 liters ng gasolina na may estimated total value na Php 701,000.
Ayon pa ni Police Major General Robert Morico II, Director ng CIDG, mahigpit umanong ipinagbabawal ng Presidential Decree No. 1865 ang pagbebenta o distribusyon ng mga produktong perrolyo nang walang pahintulot sa DOE.
“The CIDG assures the public that the unit is resolute in enforcing all the laws and relentless in its fight against all forms of illegal activities and violations of law across the country,” pahayag pa ni PMGen Morico.
Hinikayat naman ng CIDG ang publiko na agad iulat sa kanila sakaling mayroong makitang parehong aktibidad sa kanilang lugar.



