2 MWPs, aresatdo ng PRO4B sa kasong statutory rape at reckless imprudence resulting in damage to property sa Calapan City

0
408
Screenshot

Dalawang Most Wanted Persons (MWPs) ang naaresto sa magkahiwalay na operasyon ng mga operatiba ngf Police Regional Office 4B (PRO4B) sa Calapan City at San Teodoro noong November 5, 2026.

Ayon sa ulat, sa San Teodoro, naaresto sa Sitio 1, Brgy. Ilag ang isang 23-anyos na lalaki na itinalaga bilang Rank 9 Provincial Most Wanted Person. Inaresto ito sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ng Family Court, Fourth Judicial Region, Branch 11, Calapan City, Oriental Mindoro noong November 3, 2026, para sa kasong statutory rape by sexual assault sa ilalim ng Paragraph 2, Article 266-A ng Revised Penal Code, na may inirekomendang piyansang PhP120,000.

Nanguna sa operasyon sa bayan ng San Teodoro ang Tracker Team ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Regional Field Unit 4B RSOT, katuwang ang San Teodoro Municipal Police Station, Regional Mobile Force Battalion (RMFB) 4B, at Regional Maritime Unit (RMU) 4B Intelligence Operatives.

Samantala, sa Calapan City, isang 58-anyos na lalaki ang naaresto sa Brgy. Pachoca sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Damage to Property sa ilalim ng Article 365 ng Revised Penal Code. Ang warrant ay inilabas ng Municipal Circuit Trial Court (MCTC) Mansalay-Bulalacao, Oriental Mindoro noong November 3, 2026, na may inirekomendang piyansang PhP30,000.

Ang pag-aresto sa Calapan City ay isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng CIDG Oriental Mindoro Provincial Field Unit, Calapan City Police Station, 403rd Mobile Company ng RMFB 4B, Regional Intelligence Unit 4B, RMFB 4B, at 1st Provincial Mobile Force Company ng Oriental Mindoro Police Provincial Office (PPO).

Ayon kay PCol Efraim A Camara, Provincial Director ng Oriental Mindoro PPO, patuloy na nakikipagtulungan ang kapulisan ng Oriental Mindoro sa iba pang law enforcement units upang matunton at maaresto ang mga indibidwal na may kinakaharap na kaso alinsunod sa adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

“Ang bawat warrant of arrest na naipatutupad ay bahagi ng ating pagsisikap na matiyak na ang mga indibidwal na may pananagutang legal ay maihaharap sa korte at mabibigyan ng kaukulang proseso sa ilalim ng batas. Patuloy nating paiigtingin ang koordinasyon sa ating mga katuwang na ahensya upang mapanatili ang kaligtasan at kaayusan sa ating lalawigan,” pahayag ni PCOL Camara.

Source: https://www.facebook.com/share/p/1EzAwNaLCW/?mibextid=wwXIfr

Leave a Reply