Nagbalik-loob ang dalawang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) sa Brgy. Mirab, Upi, Maguindanao Del Norte nito lamang ika-29 ng Enero 2024.
Ayon kay Police Colonel Christopher Bermudez, Provincial Director ng Sultan Kudarat Police Provincial Office, ang dalawang sumuko ay dating miyembro ng komunistang grupo mula sa Sub-Regional Command DAGUMA ng Far South Mindanao Region (FSMR).
Nagbalik-loob ang mga Former Rebel sa tulong ng mga tauhan ng 57th Infantry Battalion, Philippine Army, Lebak Municipal Police Station, 2nd Sultan Kudarat Provincial Mobile Force Company at Regional Intelligence Division 12.
Kasama ring isinuko ng dalawa sa mga awtoridad ang kanilang armas na isang yunit ng M16- A1 rifle, isang Cal .45 pistol, at mga magazine.
Samantala, agad namang nakatanggap ng tulong pinansyal, bigas at iba pang tulong pangkabuhayan ang mga dating rebelde mula sa LGU-Lebak at Provincial Government of Sultan Kudarat.
Nanawagan naman si PCol Bermudez sa natitirang miyembro ng CTG na magbalik-loob sa gobyerno at samantalahin ang Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) para sa kanilang pagbabago.
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay A Medelin