Sunday, October 20, 2024

2 lalaki, arestado sa pagdadala ng ilegal na baril sa GenSan City

General Santos City – Kalaboso ang dalawang lalaki makaraang mahulihan ang mga ito ng baril at mga bala sa Daproza St., Barangay Dadiangas West, General Santos City nito lamang Hunyo 16, 2023.

Kinilala ni Police Colonel Jomar Alexis A Yap, City Director ng General Santos City Police Office (GSCPO), ang mga nahuling suspek na sina alyas “Amo”, 34, miyembro ng Faizal Criminal Group, residente ng Malapatan, Sarangani Province; at si alyas “Rey”, 33 na residente naman ng Alabel, Sarangani Province.

Batay sa ulat na natanggap ni PCol Yap sa GSCPO-Police Station 9, habang nagsasagawa ng intelligence operation ang mga operatiba ng Police station 9, CIU-GSCPO, CIDMU, GSCPO at Regional Intelligence Division 12 sa nasabing lugar bandang alas-4 ng hapon, kanilang namataan ang dalawang suspek na lulan ng isang motorsiklo dahil sa kahina-hinalang galaw ng mga ito at sa nakausling hawakan ng baril sa kanang baywang ng driver ng motorsiklo.

Agad namang pinahinto ng otoridad ang mga suspek at kaagad na hiningian ng kaukulang dokumento sa dala nilang baril, gayunpaman, walang ipinakitang kaukulang dokumento ang mga suspek kaya’t agad na inaresto ang mga ito.

Nakumpiska mula sa dalawang suspek ang isang yunit ng Cal. 45 Pistol Remington M191A1 na may serial number na 179325, tatlong magazine ng Cal. 45, magazine ng M16, mga bala at isang yunit ng motorsiklo.

Kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang isinampa laban sa mga nahuling suspek.

Giit naman ni PCol Yap na patuloy na kumikilos ang GenSan PNP para sa pagpapanatili ng katahimikan at kapayapaan sa kanilang nasasakupan.

Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay A Medelin

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,280SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles