Arestado ang dalawang lalaking suspek dahil sa patong-patong na kaso ng mga operatiba ng Parañaque City Police Station bandang 2:40 ng madaling araw sa loob ng Wild Waves KTV Bar sa Quirino Avenue, Baclaran, Paranaque City nito lamang Sabado, Nobyembre 16, 2024.
Ayon kay Police Colonel Melvin R Montante, Chief of Police ng Parañaque CPS, ang mga nadakip na suspek ay nasa impluwensya ng alak na kung saan ang isa sa mga ito ay bumunot ng kanyang baril at hinampas sa mesa sa harap ng mga nagrereklamo na nagdulot ng pagkaalarma sa iba pang mga customer sa loob ng KTV.
Nagkaroon ng mainitang alitan ang suspek at ang kanyang katropa sa mga empleyado ng bar.
Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Baclaran Police Sub-Station sa lugar matapos matanggap ang ulat at nakumpiska ang isang cal.45 Rock Island pistol na kargado ng 10 bala mula sa isa sa mga suspek.
Nahaharap sa mga reklamong Grave Threat, Alarms and Scandal at paglabag sa RA10591 na kilala bilang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang mga naarestong suspek.
Pangako ng Parañaque City PNP na mananatili ang pagiging alerto 24 oras upang maiwasan ang anumang uri ng kriminalidad at walang masasaktan na indibidwal para sa isang maunlad na pamayanan.
Source: Parañaque City Police Station
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos