Arestado ang dalawang lalaki na umano’y High Value Individual sa isang buy-bust operation ng Cebu City PNP at nakumpiskahan ng nasa Php714K halaga ng droga sa San Jose Village, Cabarrubias St., Barangay Tisa, Cebu City, noong ika-2 ng May 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel R Araquil Guardaya, hepe ng City Intelligence Unit / City Drug Enforcement Unit, Cebu City Police Office, ang mga suspek na sina “Nhemrod”, 49 anyos at residente ng nabanggit na lugar at “Mal”, 24 anyos at residente ng City Central, Barangay Luz, Cebu City.
Bandang 12:10 ng madaling araw ng inilatag ng mga tauhan ng Cebu City Drug Enforcement Unit ang buy-bust operation na nagresulta sa pagkaaresto ng dalawang suspek at pagkasabat ng 4 plastic sachets at 9 plastic packs ng hinihinalang shabu na may timbang na 105 gramo at Standard Drug Price na Php714,000, isang brown pouch at buy-bust money.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Tuloy-tuloy naman ang pagsasagawa ng mga operasyon ng Cebu City PNP upang masigurong ligtas ang bawat mamamayan ng naturang syudad dahil sa Bagong Pilipinas, gusto ng pulis, ligtas ka.
Source: CCPO SR
Panulat ni Pat Grace P Coligado