Nasamsam ang tinatayang Php3,400,000 halaga ng shabu mula sa dalawang High Value Targets sa isinagawang PNP-PDEA buy-bust operation sa Sinsuat Avenue, Barangay Rosario Heights 10, Cotabato City noong ika-14 ng Pebrero 2024.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Bibo”, 25, residente ng Tugal, Datu Anggal, Midtimbang, Maguindanao del Norte at si alyas “Bong”, 23, na residente naman ng Poblacion Dalican, Maguindanao del Norte.
Naging matagumpay ang ikinasang buy-bust operation sa pinagsanib pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency Bangsamoro Autonomous Region katuwang ang mga tauhan ng Regional Intelligence Office Team, Cotabato City Police Station 2, City Drug Enforcement Unit, Police Provincial Intelligence Unit, Police Intelligence Unit – Maguindanao del Norte, City Mobile Force Company at National Bureau of Investigation sa pakikipagtulungan ng Cotabato City Traffic Management Council.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang 10 plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 500 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng Php3,400,000; marked money; isang mobile phone; at isang brown sling bag.
Ang mga suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Act of 2002.
Ang patuloy na operasyon ng kapulisan kontra ilegal na droga ay alinsunod sa adhikain ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na mas lalong paigtingin pa ang kampanya kontra ilegal na droga tungo sa isang mapayapa at drug-free na makabagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Señora J Agbuya