Tacloban City – Naaresto ang dalawang drug peddler sa buy-bust operation ng kapulisan ng Tacloban City nito lamang Martes, Marso 8, 2022.
Kinilala ni Police Major Winrich Laya Lim, Police Station 2 Commander, Tacloban City Police Office, ang suspek na sina Rey Pica Malbuezo alyas “Badong”, 39, pedicab driver, residente ng Purok 5, Barangay 62B, Tacloban City at Junel Dablo alyas “Mun”, 17, estudyante, at residente ng Barangay 60A Old Road, Sangkahan, Tacloban City.
Ayon kay Police Major Lim, nahuli si Malbuezo at Dablo bandang 3:00 ng hapon sa Purok 5, Barangay 62B, Tacloban City ng mga operatiba ng PS2 Drug Enforcement Unit at Philippine Drug Enforcement Agency 8.
Ayon pa kay Police Major Lim, nakumpiska mula sa mga suspek ang humigit kumulang 1.5 gramo ng shabu na may Standard Drug Price (SDP) na Php10,000 at buy-bust money.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 5, 11 at Section 26b, Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy ang ginagawang kampanya ng pulisya laban sa ilegal na droga upang tuluyan ng masawata ang mga kriminal na sumisira ng ating lipunan.
###
Panulat ni Patrolwoman Rialyn Valdez – RPCADU 8