Manticao, Misamis Oriental – Nagsagawa ng 2-Day Community Outreach Program ang 2nd Provincial Mobile Force Company ng Misamis Oriental sa Brgy. Balintad, Manticao, Misamis Oriental nito lamang Hunyo 24-25, 2022.
Ang aktibidad sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Mardy Hortillosa II, Force Commander ng 2nd Provincial Mobile Force Company ng Misamis Oriental katuwang ang Balintad Municipal Police Station.
Sa unang araw ay nagkaroon ng pamimigay ng school supplies, gamot, feeding program at libreng gupit.
Nagkaroon din ng libreng pagsasanay sa 30 benepisyaryo hatid ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa paggawa ng Banana at Taro Chips na mapagkukuhanan ng dagdag kita.
Labis naman ang tuwa ng mga kabataan sa movie marathon at mobile library na hatid ng Pambansang Pulisya.
Bukod dito, sa pangalawang araw naman ay nagkaroon ng pamimigay ng 294 na foodpacks at namahagi ng kaalaman ang tauhan ng Balintad MPS tungkol sa RA 9262 (Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004), RA 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act) at paano labanan ang insurhensiya at terorismo.
Ang 2nd Provincial Mobile Force Company Misamis Oriental sa ilalim ng pamumuno ni PLtCol Hortillosa ay patuloy na maghahatid ng serbisyo tungo sa isang mapayapa at mas maunlad na komunidad.
###
Panulat ni Patrolman Edwin Baris/RPCADU 10