Bukidnon – Tiklo ang dalawang binatilyo nang mahuli sa akto ng mga tauhan ng Malitbog Municipal Police Station na nagsasagawa ng pot session sa Purok 2, Brgy. Poblacion, Malitbog, Bukidnon nito lamang ika-3 ng Nobyembre 2023.
Kinilala ni Police Captain Jonel Antique, Hepe ng Malitbog Municipal Police Station, ang dalawang naarestong suspek na sina alyas “Kent”, 18 at ang kasama nitong menor-de-edad.
Ayon kay PCpt Antique, bandang 9:20 ng gabi nang maaresto ang dalawang suspek dahil sa sumbong ng isang miyembro ng Sangguniang Bayan na mayroong gumagamit ng ilegal na droga sa kanyang boarding house.
Ang menor-de-edad na suspek ay nasa kustodiya na ng Municipal Social Welfare and Development Office ng Malitbog at mahaharap ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Hindi titigil ang buong hanay ng Malitbog PNP sa pagpapaigting kontra ilegal na droga upang masiguro ang kaligtasan ng mamamayan sa Hilagang Mindanao.
Panulat ni Patrolman Edwin Baris