Agad na tumugon ang mga tauhan ng 1st Mountain Province Provincial Mobile Force Company (PMFC) sa ilang motorista na nahirapang makadaan sa isang maputik na sinking area sa Brgy. Poblacion, Bauko, Mountain Province noong Setyembre 2, 2026.
Habang nagsasagawa ng mobile patrol sa lugar, napansin ng mga tauhan ng 1st Mt. Province PMFC, sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Efren G. Cogasi, Force Commander, ang ilang sasakyang hindi makausad dahil sa maputik na kondisyon ng kalsada. Kaagad silang nagpaabot ng tulong at nagtulak sa mga sasakyang naipit upang makadaan nang ligtas ang mga motorista at maipagpatuloy ang kanilang biyahe.
Sa pamamagitan ng simpleng pagkilos na ito, muling ipinamalas ng mga Inayan Cops ang kanilang malasakit, pagiging maagap, at kahandaang tumulong sa mga mamamayan. Bukod sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad, patuloy ding ipinakikita ng mga kapulisan ang kanilang dedikasyon sa pagbibigay ng agarang tulong, lalo na sa mga motorista at komunidad na nangangailangan nito.
Ang insidenteng ito ay patunay ng patuloy na pagtugon ng PNP sa pang-araw-araw na pangangailangan ng publiko at sa pagsisiguro ng kaligtasan ng mga mamamayan, kaakibat ang adhikain ng PNP na isulong ang “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”
Source: PNP Mountain Province Police Provincial Office



