Isang daan at limampung pamilya na biktima ng bagyong Egay ang nakatanggap ng relief packs mula sa kapulisan na pinangunahan ni PCol Julio S Gorospe Jr nito lamang ika-1 ng Agosto 2023.
Katatapos lang ng isang programa na dinaluhan ni PD Gorospe sa parehong bayan bilang pangunahing pandangal ay agad na itong tumungo sa Barangay Hall, Barsat East, Baggao, Cagayan kung saan bumungad sa kaniya ang mga masasayang mukha ng mga residente.
Alas singko na ito ng hapon ng nabanggit na araw nang mapuntahan niya ang lugar.
Hindi nito inalintana ang pagod sa nakaraang aktibidad nito dahil sa kagustuhang makumusta ang mga residente sa kanyang nasasakupan na batid nitong naapektuhan ng bagyong Egay.
Nagbigay ng mensahe ang butihing Provincial Director kung saan binigyan nito ng inspirasyon at pag-asa ang mga tao sa gitna ng mga pagsubok at krisis sa buhay na kanilang pinagdadaanan.
Bukod rito, ipinapaabot rin nito ang kanyang pasasalamat sa Police Regional Office 3 dahil sila ang nagtaguyod sa mga “relief packs” na napakalaking tulong sa mga Cagayanos lalo na sa mga pagsubok na ito sa kanila.
Naging katuwang ng Director sina PMaj Rowel Arzadin, Chief, Plans and Programs Section; at PMaj Baby Rose P Cajulao, Chief, Community Affairs Section, mula sa Regional Community Affairs and Development Division; PCpt Shiela Joy N Fronda, Chief, Police Information Office at PMaj Ronald M Balod, ACOP, Baggao PS sa pagbabahagi ng naturang relief packs.
Samantala, ipinaabot naman ni Hon Lilia M Sabiano, Brgy. Captain ang kanyang pasasalamat sa mga tulong na inihatid sa kanyang nasasakupan.
Source: CPPO