General Santos City (January 17, 2022) – Boluntaryong sumuko ang mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa mga awtoridad sa Rehiyon Dose sa Venue 88, Brgy. City Heights, General Santos City noong Enero 17, 2022.
Ito ay sa pamumuno ni PMGen Albert Ignatius Ferro, Director ng CIDG at PCol Rolando Destura, Deputy Regional Director for Administration, Police Regional Office 12.
Ang kanilang kagustuhang sumuko ay pagpapatunay lamang sa sila ay nais nang makiisa sa mga programang pangkapayapaan ng gobyerno.
Kasabay ng kanilang pagsuko ay ang kanilang pagsuko rin ng iba’t ibang kalibre ng baril.
Sila ay nakatanggap rin ng halagang Php10,000 bawat isa para sa kanilang initial financial support mula sa Local Government Unit ng Sultan Kudarat.
Patuloy ang isasagawang pagproseso sa mga sumukong BIFF para sa kanilang tuluyang pagbabalik-loob sa pamahalaan.
###
Panulat ni Patrolman Gio C Batungbacal