Tinatayang nasa 1,344 pulis at force multipliers ang itatalaga sa lalawigan ng Oriental Mindoro para sa pagbabantay ng seguridad at kaayusan sa paggunita ng “UNDAS 2026.”
Nanguna sa pagtatalaga ang Oriental Mindoro Police Provincial Office (PPO), sa ilalim ng pamumuno ni PCol Efraim A. Camara, Provincial Director, katuwang ang iba pang mga ahensya ng pamahalaan.
Kabilang sa mga itatalaga ang 705 kapulisan ng Philippine National Police (PNP), 221 personnel mula sa iba pang mga partner agencies, at 391 force multipliers, kasama ang 27 ambulance teams at mga emergency-response units.
Aasahan ang naturang mga tauhan na tutulong sa pagpapatupad ng mga koordinadong public safety operation kabilang na ang pinalakas na police visibility, upang maiwasan ang anumang ilegal na aktibidad at matiyak ang maayos na daloy ng trapiko at masiguro ang maagap na aksyon sa anumang uri ng sitwasyon.
Sa 705 PNP personnel na made-deploy, 245 sa mga ito ay manggagaling sa augmentation forces mula sa Provincial Mobile Force Company (PMFC), habang 460 naman ang mga nakatalaga sa iba’t ibang municipal police stations sa lalawigan.
Samantala, nagtayo na rin ang Oriental Mindoro PPO ng 51 Police Assistance Desks (PADs) habang pinaigting din nito ang security coverage sa 45 cemeteries, memorial parks, at columbarium sa buong lalawigan. Bukod pa rito, ang kanilang pagbabantay sa 12 simbahan at iba pang mga religious sites, pitong pantalan, at dalawang paliparan ay upang matiyak ang kaligtasan ng lahat ng mga pasahero at biyahero.
Bahagi ang nasabing pagtatalaga sa layunin ng PNP na tiyaking ligtas at payapa ang paggunita ng “UNDAS 2026” sa lahat ng parte sa lalawigan alinsunod sa adhikain ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”
“The mobilization of our personnel, partner agencies, and force multipliers reflects our unwavering commitment to ensuring a safe, peaceful, and orderly UNDAS 2026 throughout Oriental Mindoro. We urge everyone to remain vigilant, cooperate with authorities, and observe safety precautions as we honor our departed loved ones (Ang pagpapakilos sa ating mga tauhan, mga katuwang na ahensya, at iba pang mga katuwang sa seguridad ay sumasalamin sa ating matatag na pangako na tiyaking magiging ligtas, mapayapa, at maayos ang pagdiriwang ng Undas 2026 sa buong Oriental Mindoro. Hinihikayat natin ang lahat na manatiling mapagmatyag, makipagtulungan sa mga awtoridad, at sundin ang mga safety precautions para sa kaligtasan habang ginugunita natin ang ating mga yumaong mahal sa buhay), saad pa ni PCol Camara.
Source: https://www.facebook.com/share/p/1FtcBzfVTJ/?mibextid=wwXIfr

