Sultan Kudarat – Sumuko ang sampung dating miyembro ng BIFF sa kapulisan ng Sultan Kudarat Police Provincial Office, Kalawag 2, Isulan, Sultan Kudarat nito lamang Hulyo 22, 2023.
Ang mga sumuko ay mga dating kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF- Karialan Faction).
Sumuko ang sampung BIFF sa otoridad dahil sa patuloy na panghihikayat ng kapulisan mula sa Sultan Kudarat Police Provincial Office (SKPPO), Police Regional Office 12, Regional Intelligence Unit 12, RIU 9, PNP SAF, CIDG, Isulan MPS at Sultan Kudarat Highway Patrol Team.
Bitbit ng mga sumuko ang kanilang mga armas na dalawang yunit ng homemade Sniper rifle caliber 7.62mm at isang 9mm Uzi Automatic Pistol.
Pormal namang tinanggap ni Police Colonel Christopher Bermudez, Provincial Director ng SKPPO ang 10 BIFF na sumuko na nagmula sa probinsya ng Sultan Kudarat at Maguindano Del Sur.
Nagpasalamat naman si Police Brigadier General Jimili Macaraeg, Regional Director ng PRO 12, sa mga rebelde sa pagtugon sa panawagan ng gobyerno na magbalik-loob sa pamahalaan upang mamuhay ng mapayapa.
Dahil dito, patuloy pa rin ang panawagan ni PBGen Macaraeg sa ibang BIFF na sumuko na at mamuhay ng mapayapa sa tulong ng gobyerno.
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay A Medelin