Sa kabila ng mahigpit na pagpapatupad ng mga restriction at safety health protocols kaugnay sa COVID-19 pandemic, patuloy pa ring pinaigting ng Zamboanga Del Norte Police Provincial Office (ZNPPO) sa pamumuno ni Police Colonel Giovanni Hycenth Caliao I, Provincial Director ang kampanya laban sa pagtugis ng mga Most Wanted at Wanted Persons na nagtatago sa probinsya at kalapit na lugar.
Halos nasa kabuuang 17 Top Most Wanted persons at 23 Wanted persons ang naaresto sa loob lamang nitong buwan ng Disyembre, 2021. Ang nasabing operatiba ay matagumpay na isinagawa sa kooperasyon ng mga kapulisan sa dalawang (2) city police stations at 25 municipal police stations kabilang na rin ang dalawang (2) Provincial Mobile Force Company na walang tigil na nagpapatrolya sa iba’t ibang Area of Responsibility kaagapay ang iba pang police offices/ stations at iba pang mga enforcement agencies sa bansa.
Ang pagkaaresto sa mga nasabing Wanted Individuals ay nagpapahiwatig lamang na ligtas mamuhay, magtrabaho at magnegosyo sa nasabing probinsya. Gayunpaman patuloy pa rin ang panghihikayat ng ZNPPO sa publiko sa pagbibigay ng mga mahahalagang impormasyon upang mahuli ang iba pang natitirang wanted persons upang mapanagot sila sa kanilang nagawang krimen at mabigyang hustisya ang kanilang mga biktima.
Patuloy ang pagsusumikap ng ZNPPO upang panatilihin at ipatupad ang iba’t ibang anti-criminality campaigns at iba pang related security operations para sa mas ligtas at payapang Zamboanga Del Norte.
####
Sa panulat ni Pat Kher Bargamento
Good Job Team PNP
God bless PNP, mabuhay po kayo