Isinagawa ng Zamboanga City Police Office ang isang Communication and Simulation Exercise (Simex) na layuning suriin at paghusayin ang bilis ng pagtugon ng kanilang mga tauhan sa mga kritikal na insidente gaya ng pamamaril nito lamang ika-10 ng Hunyo 2025.
Ang nasabing aktibidad ay isinagawa alinsunod sa direktiba ng Hepe ng Philippine National Police (PNP), na si Police General Nicolas D Tore III, na naglalayong makamit ang limang minutong response time sa mga insidente.
Sa ilalim ng direktibang ito, isinagawa ang isang simulated shooting incident upang masukat ang kahandaan, koordinasyon, at kakayahang mabilis na maipadala ang mga tauhan sa lugar ng insidente.
Mahigpit na binantayan at sinuri ang ehersisyo ng Regional Director na si Police Brigadier General Roel C Rodolfo, RD PRO9 kasama si Police Colonel Fidel B Fortaleza Jr, City Director ng ZCPO.
Kapwa nila binigyang-diin ang kahalagahan ng tuloy-tuloy na kahandaan at maayos na koordinasyon sa pagitan ng mga yunit upang maging epektibo sa pagresponde sa mga emergency.
Muling pinagtibay ng Zamboanga City PNP ang kanilang dedikasyon sa maagap at aktibong pagpapatupad ng batas at patuloy na pagsasanay upang makapagbigay ng dekalidad na serbisyong pampubliko, na inuuna ang kaligtasan at seguridad ng mga Zamboangueño.
Panulat ni Pat Joyce Franco