Matagumpay ang ikinasang Manhunt Charlie Operation ng Maragusan Municipal Station dahil sa pagkakahuli ng isang (1) Most Wanted Person sa kasong Robbery with Rape sa Purok 14 Barangay 76-A Bucana Davao City noong Disyembre 10, 2021.
Kinilala ang suspek na si Federico L Laugo, 58 taong gulang at naaresto siya sa bisa ng Warrant of Arrest na inihain ng Tracker Team ng naturang istasyon mula sa Branch 3, Regional Trial Court, Nabunturan, Davao de Oro na may Criminal Case no. 521 at 528.
Batay sa report, matagal nang nagtatago ang suspek matapos ang insidente taong 1996 ngunit dahil sa walang humpay na operasyon ng kapulisan ay nahuli na rin ang suspek para pagbayaran ang kanyang mga krimeng nagawa at makamit na ang hustisya para sa pamilya ng biktima.
####
Panulat ni: Police Corporal Romulo Cleve M Ortenero
Kahusayan ng mga Alagad Ng Batas
Maraming salamat Sir..God bless PNP