Saturday, March 7, 2026

Wreath-Laying Ceremony, isasagawa ng PNP kasabay sa Araw ng Pambansang Paggunita sa SAF 44

Magsasagawa ang Philippine National Police (PNP), sa pamamagitan ng Police Community Affairs and Development Group (PCADG), ng isang makabuluhang Wreath-Laying Ceremony bilang paggunita sa Araw ng Pambansang Pag-alaala para sa Special Action Force (SAF) 44 ngayong Linggo, Enero 25, 2026.

Ang seremonya ay gaganapin sa Bantayog ng mga Bayaning Tagapamayapa sa Camp BGen Rafael T Crame, Quezon City. Layunin ng aktibidad na magbigay-pugay sa katapangan, kabayanihan, at sukdulang sakripisyo ng SAF 44, gayundin ng lahat ng kasapi ng PNP na nag-alay ng kanilang buhay sa pagtupad ng kanilang tungkulin para sa bayan.

Ang SAF 44 ay tumutukoy sa apatnapu’t apat na miyembro ng PNP–Special Action Force na nasawi sa isang operasyon sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25, 2015, habang isinasagawa ang isang high-risk law enforcement mission laban sa mga kilalang terorista. Ang kanilang kabayanihan ay nagbigay-diin sa kahalagahan ng tapang, disiplina, at malasakit sa pagpapanatili ng kaayusan at seguridad ng mga komunidad, at nagsilbing matibay na pundasyon sa patuloy na pagpapalakas ng kakayahan at propesyonalismo ng kapulisan.

Para sa PNP at sa buong bansa, ang paggunita sa SAF 44 ay hindi lamang pag-alala sa isang masaklap na yugto ng kasaysayan, kundi isang paalala ng mahalagang papel ng mga alagad ng batas sa pagprotekta sa buhay, kapayapaan, at kaligtasan ng mamamayan. Sa pamamagitan ng nasabing paggunita, muling pinagtitibay ng PNP ang paninindigang magsilbi nang may dangal, integridad, at buong pusong sakripisyo para sa seguridad ng sambayanan.

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
5,060SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles